Divine Mercy sa Lungsod ng Taga-pagligtas
Ang Divine Mercy Shrine ay matatagpuan sa El Salvador, Misamis Oriental.
Ang El Salvador ay kilala bilang "The City of Mercy" o "The City of Savior" sapagkat dahil na rin sa mga deboto ng mahal na berhen. Ito ay halos nasa tatlumpung minutos lamang ang layo sa Cagayan De Oro na sentro ng lalawigan ng Misamis Oriental.
Ang Divine Mercy Shrine ay bunga ng pangitain ng isang grupo na kung saan inuutusan sila ng Panginoon na gumawa ng isang representasyon Niya na kung saan nakatingin ito sa dagat at nasa 50 ft ang taas.
Ang rebulto ay sinasabing ang pinakamataas na rebulto ng Divine Mercy, hindi lamang sa pilipinas kung hindi sa buong mundo. At sa tulong ng mga donasyon ay nabuo at natapos ang pag papagawa ng lugar. Nito nga lamang 2008 ay binuksan ito sa lahat upang maging sanctuaryo ng mga deboto ng Panginoon.
Noong taong 2016 buwan ng Abril ay naanyayahan kami na pumunta sa Cagayan de Oro ng kaniyang kaibigan upang mag pagamot at humingi ng gabay sa naturang Shrine. Sumakay kami sa barko upang makapunta roon at makapag-gala na rin. Nag by land dahil gusto ni nanay makapunta pa sa Samar at Leyte. Tatlong araw ang byahe namin papunta sa Divine Mercy Shrine.
Sa aming pag tapak sa lugar na iyon ay mararamdaman na agad ang pagkapayapa ng lugar sapagkat wala kang maririnig na kahit anong ingay. Bago pumasok ay kinakailangan munang mag suot ng mahabang palda kung may kaiklian ang suot at sarong naman sa lalaki na nagkakahalagang 20 pesos. Simbolo na rin ito ng respeto sa tahanan ng Panginoon.
Sa loob ay makikita ang isang simbahan na may koronang tinik na ma-iihalintulad sa koronang tinik ng Panginoon noong siya ay ipinako sa krus. Sa ilalim naman nito ay makikita ang replica ng shroud of turin na may bakat ng mukha ng isang lalaki na sinasabing mukha ng ating Panginoon.
Sa iyong pag labas ay makikita agad ang likod ng rebulto ngunit hindi pa maaring makapunta roon sapagkat kinakailangan muna makisali sa isang preaching upang mas maging malalim ang kaalaman sa Panginoon at sa lugar. Ikunwento nila ang kasaysayan at mga himala na nangyari dahil sa pag punta ng mga deboto sa lugar. Ang mga himala ay ang naging dahilan kung kaya't mas naging sikat ang shrine sa mga tao at mga deboto. May mga nag sasabi din na nakakapagpagaling ang tubig sa simbahang ito dahil na din sa lalim ng pinaghukayan upang makaroon ng tubig doon.
At pagkatapos nun ay saka palamang makakaakyat sa hagdan patungo sa puso o tinatawag nilang "chamber of adoration". Bago umakyat ay may ibibigay silang papel na nakasulat ang isang dasal, kinakailangan mo itong dasalin hanggang sa maka akyat sa itaas. Sobrang sarap sa pakiramdam ng maka akyat sa puso na yun. Kitang kita ang Marcajalar Bay sa ibaba at ito ay napakagandang tignan.Kung titignan mabuti ang rebulto sa malayuan ay makikitang may mga rays o sinag, ang pulang sinag ay ang dugo at ang puti naman ay ang tubig, at ito ay dumadaloy sa puso o chamber ng rebulto.
Comments
Post a Comment