Mother of All Asia: Monte Maria
Monte Maria 🌞
Ang Pilipinas ay likas na mayaman sa magagandang tanawin at magagandang lugar. Hindi lang rito makikita ang mga magagandang isla at mga estraktura, makikita rin dito ang mga magagandang simbahan katulad ng aming napuntahan dito sa Lubo, Batangas. Ito ang aking hindi makakalimutang karanasan sa aking buhay dahil naging masaya kami dito at nakapagsakripisyo kami sa Panginoon.
Ito ay ang Monte Maria Shrine, ito ay kilalang kilala dahil sa statue ni Virgin Mary na tinatawag na Mother of All Asia dahil ito ay mas malaki pa sa Statue of Liberty at The Great Buddha. Bagamat kahit malayo ang aming binyahe mula Calamba hanggang Batangas ay napakasulit naman itong puntahan. Habang kami ay nasa byahe kami ay nag foodtrip ng aming pamilya, at habang kami ay papunta nakikita namin ang iba't ibang tanawin sa batangas. Nakita namin rito ang mga kabukiran at mga estraktura na nakataguyod dito. Hindi lamang kami dito nagpunta para lamang makaranas ng magagandang tanawin at masasarap na pagkain, ngunit pinuntahan namin ito para magsimba sa La Pieta and The Mother of Love at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng natatanggap na biyaya.
Noong kami ay nakarating na sa Monte Maria, ang una naming pinuntahan ay ang pinakasimbahan nila na sinabi ko ngang "La Pieta and The Mother of Love". Pagdating namin ay madami ng tao at nagsisimula na ang misa, tapat araw ang lugar dahil ito ay nasa bundok. Kaya't kami ay pawis na pawis paakyat dahil nga dito'y napakainit, napakagaan lang sa loob dahil pag akyat namin mas lalong nakita ang mga tanawin ng dagat.
Pagkatapos namin magsimba ay gumaan ang aking loob dahil nakarating kami dito ng ligtas. At dahil wala kaming mabigat na agahan, kami ay nag picnic sa tabi ng aming sasakyan. Kahit na mainit ay masaya pa rin kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan ng aming pamilya. Pagkatapos noon Ang sunod na aming pinuntahan ay sa iba't ibang uri ng statues dahil bawat statues dito ay may nakasulat at doon kami nagsimulang kumuha ng mga litrato para sa aming memories at para na rin maipost sa social media. Pagkatapos noon ay namili ang aking mga tita't tito ng souvenir dahil minsan lang namin ito mapuntahan. At dahil magkakahiwalay kami para sa pagkukuhanan ng litrato, kami ay nagsama-sama ulit upang magtanghalian sa restaurant ng Monte Maria.
Kahit na simple lamang ang aming napuntahan, ang mahalaga ay nakasama ko ng masaya ang aking pamilya at nakapagsakripisyo't nakapagpasalamat kami sa Diyos. 💗
Comments
Post a Comment