Simala Shrine: Ang Milagrosong Simbahan



    Ang Simala Church ay sikat sa nakararami dahil sa estraktura nitong tila isang kastilo at dahil na rin sa mga milagrong nangyayari rito. Ito ay nasa Lindongon, Simala, Sibonga, Cebu. Ito ay dinarayo ng mga rehilyosong turista. Marami ang pumupunta rito upang humingi ng tawad, magpasalamat o humiling sa Birheng Maria.

    Ito ay isa sa mga lugar na nais ng aming pamilya na puntahan. Kung kaya't kami ay nagpunta rito sa araw ng aming kaarawan noong November 13, 2018. Walang dapat bayaran bago makapasok dito ngunit ipinagbabawal nila ang pagsusuot ng damit na walang manggas at maiikling pang-ibaba. Sa labas pa lamang ay kita mo na ang magandang estraktura ng simbahan. Ito ay mapagkakamalan mo na isang kastilo. Hindi ko mapigilan ang akong sarili na kumuha ng mga litrato ng simbahan dahil ako ay namangha sa kagandahan nito.


    Kailangan pa munang maglakad ng sandali bago makapunta sa mismong simbahan. Habang kami ay naglalakad, ang aming kasama na taga-Cebu ay kinukuwento sa amin ang pinagmulan ng Simala. Sabi niya, isang araw raw ay may isang matandang nagnangangalang "Ingkong Villamor" ay nagsabi na isang araw ay mayroong dadating na isang babae sa lugar na iyon at mamumuno don. Sinabi niya rin  na magiging sacrado ang lugar na iyon. Sabi rin ng aming kasama na, dati raw ay ang lugar na pinagtatayuan ng simbahan ay hindi tinutubuan ng kahit ano mang halaman. Nagkaroon din ng dengue sa lugar at marami ang nagkasakit na bata at matanda at namatay.Gabi-gabi raw ay nagsasagawa ng prosisyon ang mga residente upang magdasal na tulungan sila at sa ikatlong gabi ng kanilang pagpoprosisyon ay mayroon silang naamoy na itala bang mabangon bulaklak na naamoy sa buong bayan.

    Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nagsimulang gumaling ang mga residente sa kanilang mga sakit at tuluyan nang nawala ang sakit na dengue sa kanilang lugar. Nagsimula ring tumubo ang mga halaman sa lugar. At dahil sa milagrong iyon ay nagsimulang dayuhin ang kanilang lugar at kalaunan ay tinawag itong "White Ladyy Sanctuary"at dahil din doon ay nagsimula ang mga monghe na pagawan ng simbahan sa lugar. Sinasabi rin na tuwing ika-8 ng Setyembre ay lumuluha ang birhen ng Simala at nag-aamoy bulaklak sa lugar.


    Pagpasok namin sa simbahan ay mas lalo kaming namangha dahil sa ganda ito. Ang kisame nito ay puno ng mga iba't ibang makukulay na larawan na ipininta na nagnasisimbolo sa iba't ibang bagay. Nagmimisa nangkami ay makarating kung kaya't kami muna'y nakinig. Medyo maliit lamang ang parte ng simbahan na pinagmimisahan. Hindi rin ganon kadami ang tao noong kami'y pumunta. Pagkatapos ng misa ay nagtirik kami ng kandila. Maraming iba't ibang kulay kandila ang itinitinda roon. Kada kulay ay nagsisimbolo ng iba't ibang bagay. Nang kami ay makapagtirik na ng kandila at tapos na rin magdasal ay naglakad na kami sa iba pang parte ng simbahan. 


    Nakarating kami kung saan nakalagay ang mga mensahe ng mga estudyante na nakapasa sa board exam pagkatapos pumunta sa simbahan ng Simala. Lahat sila ay nagpapasalamat sa biyaya na natanggap nila. Ang iba ay isinasama pa ang lapis na ginamit nila sa pagsasagot nila ng exam sa kanilang liham. Mayroon ring mga litrato, graduation gown, name plate at marami pang iba.



    Sabi ng aming kasama na taga-Cebu ay talagang pinupuntahan talaga ng mga estudyante na katatapos lamang ng kolehiyo ang simbahan upang ipagdasal ang kanilang pagkuha ng board exam. Sunod-sunod na mga kabinet nang amin pang nadaan na puro liham ng mga estudyante. Mayroon mga nakapasa sa pagkadoctor, engineer, architect at mga guro. Nakakatuwa ang magbasa ng kanilang mga liham. Kahit ako napaisip na gusto ko rin pumunta uli roon at ihiling na pumasa ako sa exam kung sakali mang ako na ang kukuha ng board exam. 


    Sa aming pag lalakad ay napansin ko ang isang kabinet na puno ng mga saklay at wheelchairs. Noong una ay akala ko'y ito ay ipinahihiram sa mga bisita o turista ngunit hindi pala. Ang mga saklay at wheelchair na mga iyon pala ay pagmamay ari ng mga turistang may mga kapansanan at mga turistang nagkaron ng probema sa kanilang mga paa at inihiling sa birhen ng Simala na sila'y makalakad uli. Kada mayroon daw na hiling na natutupad ay ibinibigay na nila ang kanilang saklay o wheelchair sa simbahan upang ito ay maging testimonya at pagpapasalamat. Maraming iba't ibang klase ng liham ang aking nabasa. Mayroong mga kwento ng mga ina na hindi magkaroon ng anak ngunit sa kanilang pagpunta sa simbahan at pagdadasal ay sa wakas sila ay nabiyayaan.

    Makikita rin rito ang isang dingding na puno ng kwento ng pinagmulan ng Simala. Nadoon rin ang mga larawan na nagpapakita na lumuluha nga ang Birhen sa kanyang kaarawan. Sinasabi rin na hindi lamang isang beses ito lumuha. Pagkalagpas namin sa parteng ito ay kailangan umakyat ng hagdan upang makapunta sa replica ng Birheng Maria. hindi ganoon kahaba ang pila noong kami'y pumila kung kaya't nakaakyat agad kami. Madaming tao ang naroon at nagdadasal. Ang birhen ay nasa loob ng isang silaming kahon at nasa gitna ito ng simbahan. Sandali lamang pupuwedeng hawakan ang kahon na pinalalamnan ng birhen dahil maraming naghihintay.  Pagkatapos ko itong hawakan ay nagdasal lamang ako sandali at umalis na. Nag-ikot ikot lamang kami sandali at kumuha ng mga litrato at umalis na. 

 
    Ang aming pagpunta ng Simala Shrine ay paniguradong hinding hindi ko makalilimutan. Sa ngayon ay dalawang beses na kami nakakaputa rito at lagi pa rin akong namamangha rito. Itong lugar na ito ang isa sa mga lugar na aking babalik-balikan.


Comments

Popular posts from this blog

Divine Mercy sa Lungsod ng Taga-pagligtas

Mother of All Asia: Monte Maria