Baguio'ng kay Lamig

 BAGUIO'NG KAY LAMIG↹

Pilipinas, bansang talaga namang ramdam na ramdam kung ano ang salitang 'init'. Talagang papangarapin mo nalang na sana laging malamig at ma-presko. Kaya sino ba naman ang hi-hinde at aayaw pag sinabing 'Baguio'? Kada araw na dumadaan, ang hiling ng bawat isa ay ang temperaturang pagka-lamig kaya san ka pa? tara na sa Baguio City                                   ➴    ➶    ➴    ➶    ➴    ➶

Baguio City



Mapapasabi ka nalang talaga ng masaya sa Baguio lalo na't pamilya pa ang iyong
 kasama. Bilang isang kabataan ang pagpunta sa Baguio ay isang memorable na pangyayari dahil marami kang makakasalamuha na iba't ibang tao. Itinalagang "Summer Capital of the Philippines" ang Baguio dahil sa klima nito at tinawag din itong "City of Pines" dahil ito'y napapalibutan ng pine treesBilang isang kabataan ang pagpunta sa Baguio ay isang memorable na pangyayari dahil marami kang makakasalamuha na iba't ibang tao. Pagpumunta ka sa Baguio talaga namang maraming lugar ang kamangha-mangha.


 Isa nadito ang lugar kung saan maraming strawberry.
La Trinidad, Strawberry Farm
Marining mo lang na kayo ay mag "Strawberry picking" talaga namang matatakam ka, unang sulyap pa lang sa mga strawberry, ay tiyak! maglalaway ka na agad.


Lion's Head
  Ito naman ang tinatawag na Lion's Head. Makikita niyo ito kapag dadaan kayo sa Kennon Road. At sabi saakin ng tita ko, may kwento ng kababalaghan na ito raw ay nagpapalit ng kulay. Pero syempre di namin alam kung totoo nga ba ito. Basta ang importante ay wag kakalimutang kuhanan ng litrato ang mga importanteng makikita ninyo.


Baguio Catholic Cathedral
 Syempre ang importante sa lahat ay ang pagsisimba. Ito ang tinatawag na Baguio Catholic Cathedral. Isa ito sa sikat na estraktura sa Baguio. Hindi mawawala ang pagpunta sa simbahan upang magpasalamat sa Diyos at humingi ng kapatawaran. Sa lahat ng lakad na iyong gagawin dapat Panginoon ang laging nangunguna at wag kakalimutang humingi ng gabay sa ating Panginoon.


Botanical Garden
 Pinuntahan din namin ang Botanical Garden kung saan mararamdaman mo ang aliwalas at presko na paligid. Dito mo makikita ang napakarami at iba't ibang uri ng bulaklak at halaman. 


Public Market
Sa Public Market na ito, marami kang mabibili. Sari-sari ang tintinda dito, mayroong pambata at pang matanda. Maari makabili din dito na mga pasabulong o mga souvenir. Nakabili din kami dito ng maari naming paglibangan tulad ng sungka. Pati na din iba't ibang klase ng walis mayroon din doon.


Strawberries
Syempre hindi mawawala ang pagkain ng strawberries! Pag talaga namang pumunta kayo ng Baguio lahat ng pagkain nila may strawberry at yon ang nagbibigay ng uniqueness ng lugar na ito.



Java Family

 Ang paglalakbay namin sa Baguio bilang isang pamilya ay isang nakakatuwa at masayang karanasan. Mas pagtitibayin kayo bilang isang pamilya dahil sa mas lumalaki ninyong pagsasamahan. Sa pagpunta namin sa Baguio marami din kaming nakasalamuha na iba't ibang tao na mas magpapalawak ng iyong pag iintindi. Madami kang mararanasan sa Baguio dahil dito matatagpuan mo ang magagandang lugar at tanawin. Tiyak na magiging memorable ang inyong paglalakbay

Punta na sa Baguio'ng kay lamig!

©Lets Go Sago Photography

Comments

Popular posts from this blog

Simala Shrine: Ang Milagrosong Simbahan

Divine Mercy sa Lungsod ng Taga-pagligtas

Mother of All Asia: Monte Maria