BEACH VIBES
At nang makarating na kami ay napansin ko na tabi tabi lang ang mga beach resort sa may San Juan, Batangas at ang daming tao ng araw na yon . Agad kami nag tayo ng tent sa may bungahinan malapit sa may dagat at ang mga pinsan ko naman ay agad lumusong dahil mga sabik sa tubig alat kahit malamig ng oras na yon. Habang pinagmamasdan ko mga pinsan ko ay tuwang tuwa sila sa lakas ng alon.
Kina umagahan maagang kami nagsigisingan para masubaybayan ang pagsikat ng araw. Pagpunta namin sa may labas agad bumungad ang magandang tanawin at sabay pa rito ang pagsikat ng araw. Kaya't siguro dinadayo ng mga turista ang Masalunga dahil sa puti at pinong buhangin at linaw ng tubig at higit sa lahat ay napakalinis ng lugar. Nung araw na yon ay sinulit ko talaga dahil sa hapon ay uuwi na din kami.
Marami silang inaalok ng mga ''water sports activites'' katulad ng Jetski, Banana Boat, Disco Boat, Flying Fish, Boating at Snorkeling.
Sobrang affordable ang mga activites nila at sulit talaga ang ibabayad niyo. Kung nais niyo makaranas ng ganitong mga ''water activities'' ay pumunta na kayo sa Masalunga.
Sobrang affordable ang mga activites nila at sulit talaga ang ibabayad niyo. Kung nais niyo makaranas ng ganitong mga ''water activities'' ay pumunta na kayo sa Masalunga.
Nung nalaman ko na may ''banana boat'' ay tuwang tuwa talaga ako dahil gusto ko talaga maranasan yon at nakikita ko lang siya sa mga litrato hindi ko inaakalang mararasanan ko yon, "the best experience" ko yon sa Masalunga dahil hindi mo aakalain na sobrang bilis at dadalhin ka saan saan , nung nasa kalagitnaan na kami ay ihihinto para kuhanan kami ng mga litrato.
Ang aking realisasyon sa Masalunga ay masaya pala kapag kasama lahat at kumpleto ang pamilya mo sa mga galaan o o outing at nakikita mo silang nageenjoy sa mga ginagawa nila. Dito mo masasabi na nga Masalunga ang hindi malilimutan at di-malilimutang sandali kasama ang inyong pamilya at mga kaibigan.
Comments
Post a Comment