"MAPAYAPANG LUGAR"
Ang bundok banahaw ay isang dating bulkan sa pilipinas na matatagpuan sa hangganan ng mga lalawigan sa Laguna at Quezon sa Luzon.
Ito ay banal na bundok kung saan libo libong tao ang pumupunta upang isagawa ang kanilang pananampalataya at masaksihan ang pambihirang kagandahan ng tanawin nito. At sa araw na iyan kami nang aking ama at kanyang mga samahan ay tumungo sa tuktok neto na tinatawag na durungawan. Bago palamang kami umakyat ay tinatamaan na Ko nang kaba dahil unang beses palang ako aakyat sa mataas na bundok.
At saaming pag akyat sa bundok madaming pagsubok ang aking naranasan tulad nang madulas dahil sa putik na gawa nang ulan at ang mga tinik nang mga halaman na tumutusok saakin at pati tubig ay naubusan kami . Ngunit nang aming narating ang tuktok lahat ng pagod sa aming katawan ay nawala dahil sa kagandahan nang tanawin sa tuktok at mapapasabi ka nalang na mapapawi ang lahat nang pagod.
Comments
Post a Comment