Hong Kong, Disneyland: The happiest I had ever been
Kilala ang Hong Kong bilang isa sa mga pinakasikat na travel destination ng maraming Pilipino. Ang aming pagbisita sa bansang Hong Kong noong October 2014 noong kaarawan ng tatay ko ay ang pinakamasayang alaalang mayroon ako. Malapit ito sa aking puso dahil tunay na magical☆ ang karanasang ito.
Kami ay nag-stay sa Tsim Sha Tsui, sa Kowloon, ang pinaka-mabuhay na lungsod sa Hong Kong. Dito ay makakikita ka ng mga luxury botiques kahit saan kahit saan ka tumingin, punong puno ito ng mga shopping malls.
Hindi ko malilimutan ang mga sandaling kami ay sumakay ng subway sa Hong Kong. Bagaman maliit na bagay lamang ito, tunay na nakamamangha ang kaayusan ng bansa. Isang bagay na inuwi ko sa aking pagbalik sa Pilipinas ay ang kaugalian ng mga taga Hong Kong na maging disiplinado kahit saan magpunta. Sa mga escalator, talagang pumipila ang mga tao sa tamang hanay kung saan ang mga nakatayo lamang ay nasa kanang hanay habang ang kaliwang hanay ay bukas para sa mga nagmamadali na aakyat. Dahil dito, ang pag-tayo sa kanang bahagi ng escalator ay naging kaugalian ko na din at sana'y pati ang ating mga kababayang Pilipino ay magkaroon din ng gantiong disiplina kahit man sa maliliit na bagay tulad ng pag-tayo ng tama sa escalator.
Disneyland
Ang parada sa Disneyland ay hinding-hindi ko malilimutan. Masaya ang mga rides at attractions sa Disneyland ngunit napaka-magical ng experience ng paradang ito. Ito ay nagaganap tuwing hapon, paparada ang malalaki at magagarang mga float ng mga kilalang karakter mula sa mga pelikula ng Disney. Ang bawat float ay napakaganda at talagang ma-aappreciate mo ang sining ng pag-gawa ng mga float at pati na rin ang kahirapan ng pag-ganap nila bilang mga karakter.
Credits: Tom Bricker from https://www.disneytouristblog.com/ |
Kung nakamamangha ang parada sa umaga, mas nakamamangha ang sa gabi. Hinding hindi ko malilimutan ito at sa totoo lang, kung ako ay tatanungin kung ano ang pinakamasayang alaala ang mayroon ako, malamang ito ang sabihin ko. Sa pagkamangha ko sa mga nakita ko, nalimutan ko lahat ng iniisip ko, kahit cheesy man kung sabihin, para bang nabuhay ang mga karakter na kinalakihan kong panoorin at kasama ko sila sa mga panahong iyon.
Konklusyon
Maikli lamang ang panahon na kami ay nasa bansang Hong Kong, nguint ito ay mananatili sa aming mga puso hanggang sa huli. Sa totoo lang, marami pa kaming napuntahan sa Hong Kong subalit ang naramdaman kong kasiyahan noong na-experience ko ang Disneyland kasama ang aking pamilya ay masasabing out of this world. Bagaman may kamahalan ang pagta-travel, sabi nga nila,
"investment in travel is an investment in yourself."
Comments
Post a Comment