Hong Kong || The Happiest Place on Earth








Nagpunta kami ng aking pamilya at mga kamag-anak sa Hong Kong noong Hunyo 25-28, 2018 upang magbakasyon. Espesyal sa akin ang Hong Kong sapagkat bata palang ay pangarap ko nang makapunta sa Hong Kong Disneyland. Kung nais mong maglakbay sa bansang ito, ituloy mo sapagkat hindi ka magsisisi sa dami nang magagandang tanawin. Tulad nga nang sinabi ni Walt Disney, “If you can dream it, do it.




Ang Hong Kong Disneyland ang pinaka paborito kong “tourist attraction” sa Hong Kong. Mayroong pitong atraksyon rito katulad ng Fantasyland, Adventureland, Toy Story Land, Tomorrowland, Main Street, Mystic Point at Grizzly Gulch. Ang pinaka nagustuhan ko ay ang Star Wars sa Tomorrowland. Kung aakalain mo ay simpleng roller coaster lang ito, ngunit para kang aatakihin sa puso sa sobrang takot. Ang Flights of Fantasy Parade ang pinaka-kinaabangan ng lahat sapagkat makikita at makakasalamuha mo rito ang iba’t ibang Disney characters, mga Disney princesses na masayang nag-aawitan at acrobats.






Napakalaki ng Ocean Park Hong Kong, mahihirapan kang libutin ito kung hindi ka sasakay sa kanilang cable car, tren o kaya naman ay outdoor elevator. Makikita rito ang Giant Panda at penguins. Mayroon ring maraming mga thrilling rides at entertainment show na mapupuntahan. Ang pinaka masaya para sa akin ay ang “The Flash” kung saan matatanaw mo na ang dagat habang umiikot ito. Sobrang akong nasiyahan sa ride na ito kahit na sobra rin akong napasigaw sa takot.Sa Grand Aquarium naman ay masasaksihan ang mga hayop sa dagat o “sea creatures”. Ito ay isang napakahusay na atraksyon dahil makikita ang pagkakaiba-iba at ang makulay na mundo sa ilalim ng dagat.








Ang sunod naming pinuntahan ay ang Victoria Peak. Ito ang lugar kung saan nakatira ang mga kilalang aktor, pulitiko, CEO ng bangko at mga negosyante. Ngunit ang pangunahing dahilan kung bakit ito dinadayo ng mga turista ay dahil sa magandang tanawin kung saan matatanaw ang skyline ng lungsod at Victoria Harbour. Maaari rin gamitin ang mga telescope na nilulusutan ng barya upang makita ang cityscape. Upang makapunta rito ay kailangan sumakay sa Peak Tram dahil nakatayo ito sa taas ng bundok, pati na rin ang mall.








Ang Ngong Ping Village ang pinakahuling lugar na pinuntahan namin. Ito ay isang atraksyon na ang tema ay tungkol sa kanilang kultura roon. Dito, maaari kang makahanap ng maraming mga kagiliw-giliw na mga atraksyon tulad ng Walking with Buddha, Stage 360 at mga restawran.

Sumakay kami sa Ngong Ping 360 cable car na nagkokonekta sa Tung Chung upang makarating sa Ngong Ping Village, Po Lin Monastery at Big Buddha.




Kaya ano pang iniintay nyo? Halika na at magbakasyon na sa Hong Kong! Siguradong hindi masasayang ang pagpunta niyo rito sapagkat lubos na masisiyahan at magagalak sa pagbisita ang bawat isa, saan mang sulok ng bansa.

Comments

Popular posts from this blog

Simala Shrine: Ang Milagrosong Simbahan

Divine Mercy sa Lungsod ng Taga-pagligtas

Mother of All Asia: Monte Maria