Ilocos || Malayo man ang lalakbayin, sulit naman ang iyong pagtingin



"Ilocos || Malayo man ang lalakbayin, sulit naman ang iyong pagtingin" 





   Bilang isang kabataan, nais kong makapunta sa iba't ibang lugar lalo na kung mayroon itong magagandang tanawin at talagang tinatangkilik ng mga turista. 

            Taong 2017, ang aking pamilya kasama ang aming mga kaibigan ay pumunta sa Ilocos region na kung saan ito ay may mga probinsya tulad ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, at Pangasinan. Kilala ang Ilocos region sa kanilang mayamang kultura, historical sites, at the well-preserved Spanish colonial City of Vigan.

            Ang aming unang pinuntahan ay ang mga tourist spots sa Ilocos Norte. Ang una ay ang La Paz Sand Dunes, sumakay kami sa 4x4 ride. Sobrang saya ng karanasan namin dito dahil para kaming nasa roller coaster dahil may papataas at pababa na kung saan ito ang pinakamagandang parte ng pagsakay namin sa 4x4 ride. Bumista rin kami sa simbahan ng San Augustin church of Paoay. Nakakatuwang isipin dahil kahit matagal na itong simbahan napapanatili pa rin ng mga tao roon ang natatangi nitong kagandahan. Pumunta rin kami sa Pagudpod, dito sa lugar na ito talagang makakapag relax ka dahil na rin sa magagandang tanawin na matatanaw mo rito. Sa Bangui Wind Farm naman ay namangha ako kasi ngayon lang ako nakakita ng wind mills. Ang ganda ng mga tanawin doon pati ang lalakas ng hangin. At ang huli ay ang Blue Lagoon, sobrang ganda ng dagat doon. Asul na asul ang kulay ng dagat doon kaya't kung iisipin para ka na rin nasa Boracay. 

           At ang aming pinuntahan sa Ilocos Sur ay una, Baluarte Zoo. Dahil dito, para akong nagbalik mula pagkabata dahil nasisiyahan akong makakita ulit ng iba't ibang uri ng hayop. Sumunod naman ay Calle Crisologo. Napakaganda ng mga gusali roon, makikita mo talaga ang bawat disenyo ng gusali. Ang Calle Crisologo ay talagang naiiba sa mga ibang pasyalan dahil sa natatangi nito makalumang disenyo. Sumakay kami sa kalesa na kung saan umikot kami sa nasabing lugar. Ito ang huli naming pinuntahan ang Bantay Church Bell Tower. Maganda talaga ang mga disenyo ng simbahan kahit ito ay isa na rin sa mga matatandang simbahan sa Pilipinas. 



    Para sa akin, ito na ang pinakamagandang pinasyalan namin hindi dahil sa mga napuntahan namin at popular na pagkain doon kung hindi dahil kasama ko ang aking pamilya at aming kaibigan. Dahil dito, nagkaroon kami ng quality time sa isa't isa.

Comments

Popular posts from this blog

Simala Shrine: Ang Milagrosong Simbahan

Mother of All Asia: Monte Maria

Divine Mercy sa Lungsod ng Taga-pagligtas