Namnamin ang Ganda ng Bundok Talamitam


First time kong umakyat ng bundok Talamitam sa Nasugbu, Batangas. Sobra saya ko noong mga panahong iyon at napakadami ko din na natutunan. Isa ang bundok na ito sa pinaka sikat na dinarayong bundok sa Batangas dahil sa katamtamang taas nito na kayang akyatin ng mga turista na unang makakasubok sa pagakyat ng bundok.


Isang grupo kami ng kabataan na pinamumunuan ng mga Salesian Brothers noong pumunta kami sa mismong lugar. 5:00 AM ng madaling araw kami umalis dahil taga-Canlubang  pa kami at sa Batangas pa ang destinasyon namin, sobrang importante kase na makapunta kayo ng maaga sa mismong site upang maiwasan ang sobrang init sa tanghali. Mahalaga rin na alamin ang magiging klima sa mismong araw ng inyong pag akyat. Mga 6:30-7:00 AM na kami nakarating sa mismong lugar kung saan naming sinimulan ang aming paglalakbay.


Siyempre nagbayad din kami ng barangay fee bilang respeto,tulong ,at pasasalamat na din sa barangay na nagpatuloy sa amin at nangangalaga sa bundok, ito ay nagkakahalaga ng bente pesos lang kada tao, at 500 pesos naman sa tour guide dahil nasa 40 kaming gagabayan at sasamahan niya.


Mahalaga din na alamin kung gaano kahirap ang bundok na aakyatin ninyo. Ayon sa aming tour guide, 3 out of 9 ang difficulty ang nasabing bundok na aming aakyatin dahil ang taas nito ay nasa taas na 600 meters above sea level at ang track o ang daan na inyong tatahakin ay medyo may kahirapan at mahalaga itong alamin lalung lalo na sa mga unang beses mong umakyat ng bundok at kung di ka pa sanay. Habang umaakyat ng bundok ay dama na namin ang aming pagod,kaya di maiwasang sumimangot habang kami ay naakyat. Kaya nakaisip kami ng laro na bawal sumimangot habang kami ay naakyat, dapat naming mapanatilli ang mga ngiti sa aming mukha, pag nakita kang di nakangiti ay may haharapin kang pagsubok o dare.


Dalawang oras ang inabot namin sa pag akyat ng bundok hanggang sa mismong summit o tuktok ng bundok. Pag dating ko sa tuktok ay nawala agad ang pagod ko sa sobrang ganda ng tanawin na nakita ng aking mga mata. 


Ito ang pinaka paborito kong parte ng aking paglalakbay. Pagkatapos magpahinga, kumuha ng mga letrato, at sulitin ang pagala ng mata sa napakagandang tanawin ay bumaba na kami ng bundok. Dalawang oras din ang tagal ng aming pagbaba sa bundok bitbit ang aming mga natutunan at naranasan sa aming paglalakbay.       



Comments

Popular posts from this blog

Simala Shrine: Ang Milagrosong Simbahan

Divine Mercy sa Lungsod ng Taga-pagligtas

Mother of All Asia: Monte Maria