PALAWANDERS



"PALAWANDERS"

                                                                     NI: JABEZ MICHAEL TARROSA


                                                         Kinuha mula: "selpon" ni mama


                Ang El Nido, Palawan ay isa sa mga pinaka-hinahangaang pook pasyalan dito sa Pilipinas. Bukod sa kalinisan nito, talagang mapapahanga ka sa mahikang iyong makikita mula sa bawat islang iyong mapupuntahan rito.

                Kilala ang El Nido mula sa mga white sand beaches nito at sa malinaw na tubig na dumadaloy rito. Sa aking paglalakbay, agad kong napansin ang angking kagandahang matatagpuan dito sa El Nido. Napatitig na lamang ako sa kagandahang ibinigay ng kalikasan sa atin. Tila mapapa-“wow” ka talaga dahil di ko akalaing makakakita pala ako nito sa tunay na buhay sapagkat tanging sa pelikula ko lamang nakikita ang mga ganitong lugar noon.


            Ika-5 ng Mayo ng gabi, umalis kami upang bumiyahe patungong Ninoy Aquino International Airport. Sa di inaasahang pagkakataon, inatake ako ng allergy. Namaga ang aking paa at hindi ako makalakad. Ngunit, hindi ito naging hadlang upang ituloy ko ang aking sorpresa para sa aking ina sa paggunita ng Mother's Day.

           Ilang oras bago ang aming flight, mas lumala ang aking allergy, dahil doon ay muntikan nakong hindi makasakay ng eroplano. Ako ay ina-ssist ng staff upang ako y makasakay. Inakyat ako sa eroplano gamit ang wheelchair at doon na kami namahinga. Kakaiba ang experience na iyon sapagkat sakin nakasalalay kung matutuloy ba ang aming paglalakbay. Humigit kumulang isang oras ang inabot ng aming biyahe. 

           Pagkalapag namin sa Puerto Prinsesa, agad akong isinugod sa ER upang gamutin. Sa awa ng Diyos, naibsan ang sakit na aking dinadaing at ako ay muli nang nakakalakad ng paunti-unti.

           Sumakay na kami ng van papuntang El Nido. Inabot ang aming paglalakbay ng limang oras.Gabi na kami dumating at sinamantala nalang namin ang pagkakataon na iyon upang mamahinga. 

            Kinabukasan, nagsimula na ang aming Palawan Adventure! Una naming sinakyan ang de motor na bangka patungong iba't-ibang isla, sa madaling salita, sinimulan na namin ang island hopping.


Bonding ng magpipinsan


Nabusog ang aking mga mata sa ganda ng mga tanawing aking nakita. 

                                                               Selpon koto galing

        Aking napagtanto kung gaano ka-pambihira ang mga anyong lupa at tubig na tanging dito mo lamang matatanaw. Ako'y nagmasid ng iba't ibang mga rock formations na naglalakihan at kabighabighani. Mapapaisip ka nalang, "Paanong nangyaring naging ganito kaganda ang mundo?".



                                                               Selpon ko den

         Kinabukasan, kami naman ay nagtungo pabalik ng Puerto Prinsesa. Tunay akong nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat binigyan Niya ako ng pagkakataon upang masaksihan at maranasan ang mga ito, kahit pa'y hirap akong makalakad. 

          Hindi ko na lamang inintindi ang sakit bagkus ay itinuon ko na lamang ang aking pansin sa sayang aking nadarama habang kami ay naglalakbay.

          Umuwi kami nang may ngiti sa aming mga labi sapagkat dama namin sa aming mga puso at tumatak sa karuruk-rurukan ng aming mga isipan ang mga karanasan namin sa islang ito. Totoo ngang it's more fun in the Philippines

          Bago natin dayuhin ang ibang bansa upang mamasyal, bakit hindi muna natin tuklasin ang gandang tinatago ng sariling atin?



Comments

Popular posts from this blog

Simala Shrine: Ang Milagrosong Simbahan

Divine Mercy sa Lungsod ng Taga-pagligtas

Mother of All Asia: Monte Maria