Spanish Bread






Espanya (Spain)

Image result for spain flag

7 ng Oktubre, 2019

Sa dami ng bansa na aking napuntahan, ang bansang Espanya ang hinding-hindi ko malilimutan.
Gitna ng Madrid, Bus Station sa isang "foggy day".
Nakatakda ang aming patutunguhan sa Madrid. Ang lungsod na Madrid ay ang kanilang ulunlunsod,katumbas ng Manila ng Pilipinas.Hindi dahil sa sobrang kagandahan ng lungsod na to kaya ito may tatak sa aking puso, kung 'di dahil sa mga tao na aking mga nakilala at mga aral na natutunan ko sa aking pananatili.

Ang aking isa sa mga pinuntahan ay ang "El Retiro Park". Tunay na kagandahan ang kalikasan rito, mas maganda pa sa crush ko. Hindi nako magpapakapagod pa naitype dito para sabihin sainyo kung gaano kaganda ang mga paligid ng parke na ito. Ang mga larawan ang magsasagot ng mga katanungan niyo.
Tanghaling tapat
Paglubog ng araw


Gumagalang peacock
Meron rin mga gumagalang pagong


Isa pa sa mga aking mga pinuntahan ay ang centro ng Madrid, Puerta del Sol. Umaga at gabi ay nakamamanghan ang mga paligid rito. Isa ito sa mga lugar na tinatawag na "Night Life", kung saan ay kahit lampas hating gabi na ay punong-puno parin ng mga tao.

Daan patungo sa Puerta del Sol
Isa sa mga tanawin ng Puerto del Sol


Isang parte ng Puerta del Sol kung saan may parke ng mga kalapati

Puerto del Sol sa gabi 1/2

Puerto del Sol sa gabi 2/2


Kaya sa mga nagbabalak pumunta ng Madrid, isa lang masasabi ko sainyo, hindi sapat ang isang linggo para maglakbay sa lugar na ito. Kung nais niyong pumunta rito ay dapat umabot kayo ng dalawang linggo.

Comments

Popular posts from this blog

Simala Shrine: Ang Milagrosong Simbahan

Divine Mercy sa Lungsod ng Taga-pagligtas

Mother of All Asia: Monte Maria