Temple of Leah: A Testament of a Husband’s eternal love to his loving Wife



Cebu, Philippines


Ang Cebu ay isa sa mga lugar na akong paboritong puntahan. 
Hinding-hindi ka magsasawa sa pagpunta sa Cebu dahil sa dami ng mga lugar na pwede ditong putahan. At isama pa ang mga masasarap na pagkain, katulad ng Lechon de Cebu, at ang mga taong aking nakasalamuhan.

Isa sa mga tourist destination na aking paboritong napuntahan at paulit-ulit na gustong puntahan ay ang 
Temple of Leah.


Temple of Leah – Busay,Cebu


 Ang Temple of Leah ay masasabi kong isa sa mga "instagrammable" na lugar sa ating bansa na aking napuntahan. Ito ay mahahantulad sa Taj mahal sa India, dahil ito rin ay  ipinatayo bilang simbolo ng walang hangganang pag-ibig ni Teodorico Adarna. At mahahalintulad naman ang arkitektura nito sa mga museo sa Greece dahil sa matatayog nitong haligi.

Ang maganda at mabilis na paraan upang makarating sa Temple of Leah ay ang padadala ng sariling sasakyan o pag aarkila ng taxi papunta rito dahil sa layo ng lugar. Ito ay may entrance fee na P50.00 bawat ka-tao. 
Ito ay matatagpuan sa mataas na bahagi ng Cebu, ito ay nakatanaw sa napakagandang syudad ng Cebu. 




Sa harap ng ng nasabing templo ay agad kong napansin o sumalubong samin ang mga pigura o statue ng tatlong babaeng isinasabing nag rerepresenta sa tatlong babae sa pamilya ng mga Adarna na sina Leah at ang anak nitong si Arlene Mae at ang nag-iisang apong babae ng pamilyang Adarna ang sikat na artistang si Ellen Adarna.




Unang pagtapak sa templo makikita agad ang  higanteng bronze statue ni Leah na may sukat na 2.74-meter (9 feet). At ito  ay may 24 na kwarto na naglalaman ng collection ni Leah ng mga statue, figurines, jars, libro at iba pang mga bagay na kanyang nakolekta noong siya ay nabubuhay pa. 





Sa matatayog nitong mga haligi at sa naggagandahang disenyo ay sadyang mabibighani ako
sa ganda ng lugar at ang tanawin nito. Hindi pa man natatapos ang konstraksyon ng templo ito ay pauloy pa ring dinadayo ng mga turista dahil sa nakakamangha nitong strakturang ibinase sa Roma/Greek architecture.



Sa paligid din ng templo ay may mga upuan at lamesang pwedeng tambayan, habang nag mumuni-muni at nilalasap ang ganda ng tanawin. Dito ka maaring mag-relax bago o matapos mong libutin ang napakagandang Temple of Leah. 


Sa ganda ng Temple of Leah ay mapapaibig ka talaga nitong dumayo at ulit-uliting puntahan ito. Hindi pa man ito tapos ito pa rin ay nakakahalinang puntahan dahil sa kwentong pag-ibig nito at ang napaka detelyado at gandang disenyo nito na parang nakapunta ka na sa ibangbansa! At isama pa ang napaka gandang taawing hatid nito na tunay na makapahpakita ng ganda ng Cebu.

Comments

Popular posts from this blog

Simala Shrine: Ang Milagrosong Simbahan

Divine Mercy sa Lungsod ng Taga-pagligtas

Mother of All Asia: Monte Maria