"The City of Pines"

  "The City of Pines"  


Ang Baguio ay matagal ko nang gustong mapuntahan dahil sa mga nakikita kong magagandang aktibidad na maaaring gawin dito at dahil na rin sa strawberries na unang beses ko pa lang matitikman.

Ang byahe na ito ay nakita lang ng aking ate sa isang travel agency na nakita niya sa facebook. Sa byahe din na ito, ay kasama namin ang aming malapit na kapitbahay. Ang tinagal ng aming binyahe mula sa aming bahay patungo sa aming destinasyon ay lumampas ng dalawampung oras. ang tagal ng aming pananatili dito ay 2 days at 1 night.


La Trinidad Strawberry Farm - La Trinidad, Benguet

Nang kami ay makadating na, pumunta na kami sa La Trinidad strawberry farm. Ako ay namangha sa sa aking nakita dahil napakalaki ng farm na ito. Dito ko natikman ang strawberry ice cream na may halagang 30-50 piso. Kahit na mahal ang presyo, ako ay bumili pa rin dahil na-sabik akong matikman ito. Kung aking ire-rate ang ice cream na ito, bibigyan ko ito ng 10/10. Ngunit, hindi namin nagawa ang pag-pitas ng strawberries dahil hindi pa peak season noong kami ay pumunta. Kami ay namili na lang ng mga pasalubong para sa mga kapitbahay at kaibigan.

 Pagkatapos namin pumunta dito, kami ay nagtungo naman sa isang maliit na karinderya. Hindi na namin ninais na kumain sa isang kilalang kainan dahil tinamad na kami maghanap at dahil gutom na rin kami. Mura at masarap ang mga ulam dito. bagay para sa malamig na panahon. humigit kumulang nasa 35-60 piso ang mga ulam dito, at sampung piso lang ang kanin. Kung akin itong ire-rate, bibigyan ko ito ng 8/10. 


Sta. Theresa Inn - Baguio City, Benguet

Nang kami ay tapos ng kumain, pumunta na kami sa Sta. Theresa Inn, ang aming tutuluyan. Kung akin itong ire-rate, bibigyan ko ito ng 5/10. Pagpasok mo pa lang, mahahalata mong luma na ito. at ang aming kwarto ay medyo masikip. Hindi ko na ito binigyan ng pansin dahil ito ay aming tutulugan lamang. Walang air con ang mga kwarto dito. Sa halip. nakabukas ang mga bintana na may harang na bakal at screen para malamig na hangin na mula sa labas ang magsilbing "air con".








SM City Baguio - Baguio City, Benguet.

Nagpalipas kami doon ng oras hanggang sa dumating ang hapon. Pumunta kami sa SM City Baguio para mag-gala at kumain ng hapunan. Ang lawak ng mall na ito. Kakaunti lang ang air con dito, dahil malamig sa Baguio, hindi na nila nilagyan ng mga salamin ang ibang parte nito upang dumaloy ang malamig na simoy ng hangin sa loob ng mall. nag-ikot ikot kami dito hanggang sa gumabi na. bumalik na kami sa aming pagtutuluyan para matulog at maghanda para bukas. 



Baguio Botanical Garden - Baguio City, Benguet

Nang dumating na ang umaga kami ay naghanda na para umalis ulit. Ang Baguio Botanical Garden ang aming unang pinuntahan. Kung aking ire-rate ang kabuoang karansan ko dito, bibigyan ko ito ng 8/10. Maganda ang senaryo ng lugar dahil sa dami ng mga pine trees dito. Mahaba ang lakarin dito, nagsimula akong mangalay noong kami ay malapit na sa dulo.

Burnham Park - Baguio City, Benguet

Pagkatapos namin mamasyal dito, kami naman ay kumain ng tanghalian at nagtungo sa Burnham Park. Maganda ang park na ito at madami ang tao. Ito ay magandang pasyalan ng mga turista dahil maraming libangan dito ang pwede niyong gawin. Maaari kayong mag-renta ng mga bisikleta dito. nasa halagang 40 pesos kada isang oras ang bayad sa pag-renta sa bisikleta. at nasa 50 pesos kada oras naman ang mayroong side car. Ang bayad naman sa mga rental boats ay nakadepende sa kapasidad ng bangka. kapag lima ang kapasidad ng bangka, nagkakahalaga itong 100 piso kada kalahating oras. 150 piso naman kada kalahating oras ng bangkang may kapasidad na 6-8. Mayroong karagdagan na 50 pesos kung kailangan nyo ng mag-sasagwan para sa inyo. Lubusan kong na-enjoy ang karanasan ko dito. 

Nang matapos kami dito, kami ay umuwi na. ang oras ng aming byahe ay 11 na oras. Itong byahe na ito ay nakuha lang namin sa travel agency, hindi namin hawak ang oras namin sa isang lugar. Kung kayo man ay nagbabalak na mamasyal sa Baguio, mas maganda kung kayo-kayo ang mag-babalak. Dahil hindi kontrolado ang oras niyo.




Comments

Popular posts from this blog

Simala Shrine: Ang Milagrosong Simbahan

Divine Mercy sa Lungsod ng Taga-pagligtas

Mother of All Asia: Monte Maria