When In Batangas!


 

VIGAN OF THE SOUTH: MUNICIPALITY OF TAAL, BATANGAS AND ASIA'S LARGEST CATHOLIC CHURCH.  


Image may contain: sky and outdoor
Ang una naming pinuntahan ay ang Basilica of St. Martin de Tours  kong ito ay isang nakahahangang simbahan dahil sa ganda at laki nito, pinagpasyahan naming na ito muna ang unahin upang humingi ng gabay sa iba pa naming pupuntahan at para sa mga iba pang mga kahilingan. Ang pamayanang bayan ng Taal ay itinatag ng mga prayle ng Agustinian noong 1572 sa lupa na kasalukuyang sinasakop ng San Nicholas Town. Matatagpuan ito sa 80 kilometro lamang timog ng Metro Manila. Sa nakapalibot na mga makalumang bahay, ang Taal ay itinuturing ng marami bilang "Vigan" ng timog. Isa sa pinagmamalaki ng Bayan ng Taal ang Basilica of St. Martin de Tours na siyang pinakamalaking simbahang katoliko sa buong Asya. Gumuho man ang ilang bahagi nito noong tamaan ng sunod sunod na lindol noong nakaraang taon ay nanatili itong matatag.  

FANTASY WORLD

Image may contain: sky and outdoor


Ang sunod naming pinuntahan ay Fantasy World ,kung ikaw ay mahilig  sa mga fairytales , mga kuwento ng mga prinsipe at ng prinsesa, ang mga hari at ng reyna? Kung sa ganon, ito ay iyong magugustuhan sapagkat ito ay medieval themed ito pinakamagandang lugar para sa iyo upang iyong puntahan ng iyong mga kaibigan o kaya’y iyong pamilya. makikita mo ang iba’t ibang kastilyo sa loob, puwede mong maranasan na maglakad sa hanging bridge at kumuha ng magagandang litrato sa loob dahil sa kahanga –hangang kagandahan ng lugar. Matagal nang huminto ang konstruksiyon noong nakaraang taon. Tila napabayaan ang proyekto dahil sa  problemang pinansyal ng may-ari. Sa mga nakaraang taon, naging lokasyon ng paggawa ng pelikula para sa mga pelikula . Kahit na hindi ito binuksan tulad ng pinlano, ang mga turista ay maaari pa ring makapasok (sa halagang 100 php) upang maglibot at kumuha ng litrato.

SKY RANCH


Ang sunod naman naming pinuntahan ay ang Sky Ranch sa Tagaytay ito ay perpekto para sa pamilya o kaibigan talaga namang maeenjoy ito ng bawat isa dahil sa mga akaakibat na mga rides at view ng Bulkang Taal. 


Talaga nga namang nakakamangha ang isang paglalakbay kapag kasama mo ang iyong pamilya dahil ito ay nag-iiwan at nakabubuo ng mga magagandang alaala at  nagkakaroon ng quality time ang bawat isa.                                                                 


Image may contain: 4 people, including Joan Herradura, people smiling, people standing and outdoorImage may contain: 4 people, including Joan Herradura, Gunster Herradura and Mikaela Herradura, people smiling, people standing, tree and outdoor

Comments

Popular posts from this blog

Simala Shrine: Ang Milagrosong Simbahan

Divine Mercy sa Lungsod ng Taga-pagligtas

Mother of All Asia: Monte Maria