Posts

Showing posts from October, 2019

Hong Kong, Disneyland: The happiest I had ever been

Image
Kilala ang Hong Kong bilang isa sa mga pinakasikat na travel destination ng maraming Pilipino. Ang aming pagbisita sa bansang Hong Kong noong October 2014 noong kaarawan ng tatay ko ay ang pinakamasayang alaalang mayroon ako. Malapit ito sa aking puso dahil tunay na magical ☆   ang karanasang ito. Kami ay nag-stay sa Tsim Sha Tsui, sa Kowloon, ang pinaka-mabuhay na lungsod sa Hong Kong. Dito ay makakikita ka ng mga luxury botiques kahit saan kahit saan ka tumingin, punong puno ito ng mga shopping malls.  Hindi ko malilimutan ang mga sandaling kami ay sumakay ng subway sa Hong Kong. Bagaman maliit na bagay lamang ito, tunay na nakamamangha ang kaayusan ng bansa. Isang bagay na inuwi ko sa aking pagbalik sa Pilipinas ay ang kaugalian ng mga taga Hong Kong na maging disiplinado kahit saan magpunta. Sa mga escalator, talagang pumipila ang mga tao sa tamang hanay kung saan ang mga nakatayo lamang ay nasa kanang hanay habang ang kaliwang hanay ay bukas para ...

Baguio'ng kay Lamig

Image
  BAGUIO'NG KAY LAMIG↹ Pilipinas, bansang talaga namang ramdam na ramdam kung ano ang salitang 'init'. Talagang papangarapin mo nalang na sana laging malamig at ma-presko. Kaya sino ba naman ang hi-hinde at aayaw pag sinabing 'Baguio' ? Kada araw na dumadaan, ang hiling ng bawat isa ay ang temperaturang pagka-lamig kaya san ka pa? tara na sa  Baguio City                                    ➴    ➶    ➴    ➶    ➴    ➶ Baguio City ↫ Mapapasabi ka nalang talaga ng masaya sa Baguio lalo na't pamilya pa ang iyong  kasama. Bilang isang kabataan ang pagpunta sa Baguio ay isang memorable  na pangyayari dahil marami kang makakasalamuha na iba't ibang tao. Itinalagang "Summer Capital of the Philippines" ang Baguio dahil sa klima nito at tinawag din itong  "City of Pines" dahil ito'y napapalibutan ng pine trees . ...

When In Batangas!

Image
  VIGAN OF THE SOUTH: MUNICIPALITY OF TAAL, BATANGAS AND ASIA'S LARGEST CATHOLIC CHURCH.   Ang una naming pinuntahan ay ang Basilica of St. Martin de Tours  kong ito ay isang nakahahangang simbahan dahil sa ganda at laki nito, pinagpasyahan naming na ito muna ang unahin upang humingi ng gabay sa iba pa naming pupuntahan at para sa mga iba pang mga kahilingan. Ang pamayanang bayan ng Taal ay itinatag ng mga prayle ng Agustinian noong 1572 sa lupa na kasalukuyang sinasakop ng San Nicholas Town. Matatagpuan ito sa 80 kilometro lamang timog ng Metro Manila. Sa nakapalibot na mga makalumang bahay, ang Taal ay itinuturing ng marami bilang "Vigan" ng timog. Isa sa pinagmamalaki ng Bayan ng Taal ang Basilica of St. Martin de Tours na siyang pinakamalaking simbahang katoliko sa buong Asya. Gumuho man ang ilang bahagi nito noong tamaan ng sunod sunod na lindol noong nakaraang taon ay nanatili itong matatag.    FANTASY WORLD Ang sunod nami...

PALAWANDERS

Image
"PALAWANDERS"                                                                       NI: JABEZ MICHAEL TARROSA                                                          Kinuha mula: "selpon" ni mama                 Ang El Nido, Palawan ay isa sa mga pinaka-hinahangaang pook pasyalan dito sa Pilipinas. Bukod sa kalinisan nito, talagang mapapahanga ka sa mahikang iyong makikita mula sa bawat islang iyong mapupuntahan rito.                 Kilala ang El Nido mula sa mga white sand beaches nito at sa malinaw na ...

Spanish Bread

Image
E s p a n y a (Spain) 7 ng Oktubre, 2019 Sa dami ng bansa na aking napuntahan, ang bansang Espanya ang hinding-hindi ko malilimutan. Gitna ng Madrid, Bus Station sa isang "foggy day". Nakatakda ang aming patutunguhan sa Madrid. Ang lungsod na Madrid ay ang kanilang ulunlunsod,katumbas ng Manila ng Pilipinas.Hindi dahil sa sobrang kagandahan ng lungsod na to kaya ito may tatak sa aking puso, kung 'di dahil sa mga tao na aking mga nakilala at mga aral na natutunan ko sa aking pananatili. Ang aking isa sa mga pinuntahan ay ang "El Retiro Park". Tunay na kagandahan ang kalikasan rito, mas maganda pa sa crush ko. Hindi nako magpapakapagod pa naitype dito para sabihin sainyo kung gaano kaganda ang mga paligid ng parke na ito. Ang mga larawan ang magsasagot ng mga katanungan niyo. Tanghaling tapat Paglubog ng araw Gumagalang peacock Meron rin mga gumagalang pagong Isa pa sa mga aking mga pinuntahan ay ang cent...

Namnamin ang Ganda ng Bundok Talamitam

Image
First time kong umakyat ng bundok Talamitam sa Nasugbu, Batangas. Sobra saya ko noong mga panahong iyon at napakadami ko din na natutunan. Isa ang bundok na ito sa pinaka sikat na dinarayong bundok sa Batangas dahil sa kata mta mang taas nito na kayang akyatin ng  mga turista na unang  makakasubok sa pagakyat ng bundok. Isang grupo kami ng kabataan na pinamumunuan ng mga Salesian Brothers noong pumunta kami sa mismong lugar. 5:00 AM ng madaling araw kami umalis dahil taga-Canlubang  pa kami at sa Batangas pa ang destinasyon namin, sobrang importante kase na makapunta kayo ng maaga sa mismong site upang maiwasan ang sobrang init sa tanghali. Mahalaga rin na alamin ang magiging klima sa mismong araw ng inyong pag akyat. Mga 6:30-7:00 AM na kami nakarating sa mismong lugar kung saan naming sinimulan ang aming paglalakbay. Siyempre nagbayad din kami ng barangay fee bilang respeto,tulong ,at pasasalamat na din sa barangay na nagpatuloy sa amin at nangangala...

"The City of Pines"

Image
  "The City of Pines"   Ang Baguio ay matagal ko nang gustong mapuntahan dahil sa mga nakikita kong magagandang aktibidad na maaaring gawin dito at dahil na rin sa strawberries  na unang beses ko pa lang matitikman. Ang byahe na ito ay nakita lang ng aking ate sa isang travel agency  na nakita niya sa facebook . Sa byahe din na ito, ay kasama namin ang aming malapit na kapitbahay. Ang tinagal ng aming binyahe mula sa aming bahay patungo sa aming destinasyon ay lumampas ng dalawampung oras. ang tagal ng aming pananatili dito ay 2 days at 1 night. La Trinidad Strawberry Farm - La Trinidad, Benguet Nang kami ay makadating na, pumunta na kami sa La Trinidad  strawberry farm . Ako ay namangha sa sa aking nakita dahil napakalaki ng farm  na ito. Dito ko natikman ang strawberry ice cream  na may halagang 30-50 piso. Kahit na mahal ang presyo, ako ay bumili pa rin dahil na-sabik akong matikman ito. Kung aking ire- rate  ...

Temple of Leah: A Testament of a Husband’s eternal love to his loving Wife

Image
C ebu, Philippines Ang Cebu ay isa sa mga lugar na akong paboritong  puntahan.  Hinding-hindi ka magsasawa sa pagpunta sa Cebu dahil sa dami ng mga lugar na pwede ditong putahan. At isama pa ang mga masasarap na pagkain, katulad ng Lechon de Cebu, at ang mga taong aking nakasalamuhan. Isa sa mga tourist destination na aking paboritong  napuntahan at paulit-ulit na gustong puntahan ay ang  Temple of Leah. Temple of Leah – Busay,Cebu   Ang Temple of Leah ay masasabi kong isa sa mga  "instagrammable" na lugar sa ating bansa na aking napuntahan.  Ito ay mahahantulad sa Taj mahal sa India, dahil ito rin ay  ipinatayo bilang simbolo ng walang hangganang pag-ibig ni  Teodorico Adarna . At mahahalintulad naman ang arkitektura nito sa mga museo sa Greece dahil sa matatayog nitong haligi. Ang maganda at mabilis na paraan upang makarating sa Temple of Leah ay ang padadala ng sariling sasakyan o pag ...